Utang na Loob

by Katski

Napa-blog ako bigla kahit supposedly I’m off the grid dahil nagsusulat ako ng pilot ng bagong show.

Nagkamali kasi akong manood ng Bandila, yung late night news program ng ABS.   And one particular piece caught my attention fully, as well as my ire.

Simple lang ang gist. Isa sa mga moves ng Malacanang (a ‘yay P-Noy moment as far as I’m concerned) ang paghikayat sa mga mambabatas (for the conyotics, translated as the Palace recently encouraged lawmakers or members of the congress) na i-stop na ang paglalagay ng mga pangalan at picture nila sa mga projects na ginagawa nila sa kanilang mga district.

Matagal ko na ‘tong issue, sa totoo lang.

Kaya nga isa ko sa mga tuwang-tuwa nung marinig ang balita na kasunod ng anti-wang-wang movement ay may anti self-aggrandizement/grandstanding movement para sa mga public servants-cum-celebrity-wannabes na walang kapararakang dini-display ang mga pangalan at litrato nila sa mga schools, waiting sheds, hospital buildings, street signs at roadworks na ginagawa sa kanilang mga distrito.

Matagal na kasi akong nagtataka bakit okay na okay lang sa kultura natin na ginagawang billboard ng mga nasa posisyon ang kahit na anong public surface para ipamalita na ginagawa nila ang mga tungkulin nila. At tuwing may “This Is a Project Of”  akong nakikita ang nasa isip ko, humihingi ito ng credit at acknowledgment sa mga constituents nila for doing their job, using their constituents’ money. “Good news po! Ginawa ko po ang pinag-usapan natin! Ito o, kitams?”

Good news ba ito na dapat nating ipagpasalamat? Talaga? Utang na loob.

Ganun na ba ka-cynical ang mga Pilipino? Ganun na kababa ang expectations natin sa gobyerno at sa mga binoboto natin, ganun na tayo kasanay sa masama, sa corrupt, sa mga baluktot na gawaing dinadaan na lang sa birong “onli in the pilipins”–na kapag may tama, tayo pa ang nagpapasalamat?  It’s tragic how we’ve been hardwired by bad experience to feel grateful and shower thanks upon those who give us that which we are entitled to in the first place, that which is our right as citizens and that which is their first obligation as elected officials:  good, honest public service.

So tonight while watching Bandila I was stunned to see some minority leaders publicly oppose this long-overdue proposal.  And oppose it with purpose and conviction as if they were truly the wronged party subjected to the whim of a too-modest President.  To quote one (whose name I have forgotten) “Kung si President P-Noy ayaw niya [nilalagay yung pangalan at mukha niya] di ipatanggal nila pero kami kung  gusto namin na ilagay ang mga [picture] at pangalan namin sa mga proyekto sa aming mga distrito ‘wag sana kaming pakialaman…lalo na kung guwapo ka o maganda…”

This is GALL defined.

Another congresswoman (whose name I also don’t recall) tried to make a legitimate case for putting their names on their projects. “Transparency” ang silbi ng pag-a-advertise nila ng mga sarili nila, para malaman ng mga constituents na nagtatrabaho sila.

This is BULLSHIT in a nutshell.

Pero at least may isang nagsabi, ang Minority Leader nga yata (whose name escapes me) na admittedly ito ay isa ring form of campaigning. Nag-iimbak na. Built in na nga naman kasi diba, para sa mga susunod na eleksyon.

Ayan. Now this is HONESTY thank you very much. Pero tanggalin na natin yung “isa rin” sa sentence na “isa rin ito sa mga dahilan”. Para MAS honest, MAS accurate to say that ITO LANG NAMAN ang dahilan kung bakit sila umaalma, WALA NANG IBA PA.

Transparency kamo?  A job done is a job done. A manhole covered, a road paved, a building constructed–these are the best records of where the taxpayer’s money went and the only proof necessary of a public official’s job accomplishment.  Halal na sila, binoto na sila ng taong-bayan natural mente lahat ng mangyari o hindi mangyari during their term ay i a-attribute din sa kanila. Whether pupunahin sa kakulangan o pupurihin sa kahusayan sa pagbibigay serbisyo.

Hindi na kailangan ng physical reminder na nakakapangit lang sa kapaligiran. Ang laki na nga ng carbon footprint natin sa mundo dadagdagan niyo pa.

Transparency talaga? KEEP RECORDS AND MAKE THEM PUBLIC AND TRANSPARENT! Yung talagang puwedeng ma-access ng kahit na sino anumang oras. Kaya nga may munisipyo. Kaya nga may tanggapan ang inyong kagawaran.  Hindi kayo makakaubos ng isang ream ng bond paper sa pagpaskil ng mga announcement sa isang cork board na puwede niyong ilagay sa isang prominent corner ng opisina niyo– kung ang layunin niyo lang ay purely to assure your districts that you ARE doing your job and that THIS IS where their taxes are going. Kung gusto niyo maging green and paperless—ANONG GINAGAWA NG INTERNET? Magpagawa kayo ng website o para libre gumawa kayo ng official Facebook Page for your district! Hindi pa ubos ang libreng space sa cyberspace. Ilista dun lahat ng mga ginagawa ng inyong tanggapan. Punuin niyo yun ng picture niyo.

Kung transparency nga ang layunin. Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi naman talaga yun ang dahilan kaya umaalma kayo. Utang na loob.

Ego has no space in the realm of governance and public service. Kaya nga hindi ako papasok diyan ever. Kaya nga hindi lahat ng tao kaya gawin yan. Special yan diba. Hindi yan negosyo, industriya or stepping stone for personal advancement. Stripped of the politics, public service is a calling of the noblest kind, an endeavor that is truly selfless and thankless.

And it’s supposed to be that way.

That is the price of the trust the public gives an elected official. Biruin mo, susunod ako sa batas mo at ipapahawak ko sayo ang pera ko. Kasi ang presumption ko, sinagot mo yung tawag ng panunungkulan ng buong puso, that you are pursuing your passion to help your country and fellow citizens.Hindi yun pabor na binibigay mo sa amin. Tama si Noynoy. Kami ang boss niyo. Ngayon, hindi ka ba maiinis kung may empleyado kang humihingi ng papuri o titimbrehan ka tuwing gagawin nito yung trabahong pinagkatiwala mo sa kanya? Ginagawa mo lang yun kung yung trabaho niya ay HIGIT pa sa inasahan mo at sa pinag-usapan niyo. EH HINDI NAMAN GANUN ANG KASO DITO MGA KUYA. AT ATE.

It’s an honor in itself to serve your country. And if you do it right the reward you reap is the genuine love of a grateful nation at the end of your service. In the meantime, you don’t ask for recognition, you EARN IT.

Hindi utang na loob ng constituents ang paggawa niyo ng trabaho, dear minority leaders opposing this notion from Malacanang.  Utang niyo yun sa amin. Utang na loob.

(Ngayon…maghahanap ako ng public service project baka dun ko makita yung mukha nung mga konggresistang quoted dito na hindi ko na maalala ang mga pangalan.)

Advertisements