Hindi Ko Alam, Pero Iniisip

by Katski

hindi ko alam kung hinahanap na kita
pero iniisip kita madalas
kapag hindi tayo magkasama 
iniisip ko kung saan kaya tayo puwedeng magpunta 
sa susunod nating pagkikita

hindi ko alam kung hinahanap na kita 
pero iniisip kita madalas
iniisip ko kung gising ka na o tulog pa
kung gising ka pa o tulog na
binibilang ko ang text at tawag mo
kapag hindi ka nagtetext iniisip ko kung bakit…
kapag hindi ka tumatawag iniisip ko kung sino…
… kaya ang kausap mo

hindi ko alam kung hinahanap na kita
pero iniisip kita madalas
kapag hindi ka online tintingnan ko ang facebook mo.
tapos twitter, instagram, tumbler, pinterest, clash of clans
balik sa facebook
nag update ka na ba ng status? 
para sakin ba yun? 
secret message ba yung emoji na heart? 
yung nakakabit sa music video ng isang bandang  hindi ko naman kilala?
tungkol ba sakin yung pinost mong kanta?
ako ba yung tinutukoy mo nung nagpost ka ng lang leave quote? 
tanginang lang leave yan. maka-emote.

bakit walang nakapost?

refresh. wala.
refresh after an hour. wala pa rin.
refresh after three hours. anong nangyayare?! 
you’re taking me for granted? anong problema? you don’t want me anymore? the fuck’s wrong with you?! 
tangina refresh!

…oh wow, sonnet.
Shit.

hindi ko alam kung hinahanap na kita
pero iniisip kita madalas
binubuksan ko ang messenger mo,viber,skype, whatsapp kahit 
YM na ikaw nalang yata ang gumagamit.
binabasa ko lahat ng pm mo
para makilala ka 
bilang ikaw na iba 
sa ikaw na laging 
humaharap sa kin.
para malaman kung pano ka ba sa piling ng iba
(lalo na yung msgs niyo ng mga ex mo mula 2009 matiyaga ako mag scroll, oo)
hindi ko pa napipino
kung nagseselos bako sa past pms mo sa kanila,
na present pms mo saken,
gaya ng tc, tccic, ily, imy 
at tc2, tccic2, ily2 at imy2
hindi ko pa napipino kung natatawa bako sa sarili ko 
kase interesado ako sa past mo
o natutuwa 
dahil past na nga.
yung pangalawa siguro. hindi naman ako nagseselos. 
hello. mga pakshet sila oo hindi ko alam kung hinahanap na kita!

pero iniisip kita madalas.

Iniisip ko sana…hinahanap mo ko.
Sa bawat mulat na sandali ng diwa mo.
Sana iniisip mo ko.
Higit pa sa madalas. Higit pa sa lagi. 
Higit pa sa lahat ng sandali 
nang paghahanap at pag iisip ko sayo.

Advertisements